Ang Bayan ni Juan

POSTED ON: Wednesday, June 24, 2009 @ 5:55 PM | 0 comments

Ang Bayan ni Juan

May nahalata ka ba? Kung wala e @&#^!#*$*!&*$ ipapaalala ko saiyo ang dapat mong mahalata, na unang beses kong magsulat ng Filipino sa blog post. Nabigyan kasi ako ng idea ng kaclub-mate ko na si Jerson na magsulat ng isang artikulo o di kaya sanaysay na magpapahayag ng saloobin ko bilang isang Pilipino. Miminsan lang to kaya't hinihingkaya't kita na ituloy ang pagbabasa mo.

Minsan naiisip ko kung bakit may mga Pilipino na nagpupumilit na magsalita ng wikang banyaga kahit pa barok barok ito, ika nga nila pag wikang banyaga raw 'sossy' pero kung iisipin mo.. nakakairita dahil unang una hindi naman talaga marunong pangalawa pinipilit sa sarili 'trying hard' kumbaga? at pangatlo, nakatatak na sa bawat salitang lalabas at mamumutawi sa labi ng bawat isa basta't eto ay sinasabi gamit ng wikang banyaga ee nasa 'in crowd' ka na, hindi naman masamang magsalita ng wikang banyaga pero sana kung hindi naman talaga kaya e wag na sanang pilitin ~_~ kasi nagmumukha lang lalong tanga ang taong gumagawa ng ganun. Napansin ko rin marami ang nagrereklamo na mabaho ang paligid o di kaya'y puro kalat at sobrang rumi ng mga kalsada, bakit sino ba ang may gawa nito? ops, ops.. wag kang magsinungaling subukan mong sabihing hindi baka bagsakan ka ng malaking bato diyan sa ulo mo haha! Totoo na ang bawat isa sa atin ay nagbigay na ng kontribusyon para dumumi ang paligid, tapos kung sino pa yung todo tapon.. todo dura .. todo ihi atbp. sa kung saan saan eh, aba! Yun pa ang todo reklamo tsk tsk. Pagdating naman sa gobyerno, mapagkakatiwalaan pa ba natin sila? Hinihiling ko lang sana na sa susunod na eleksyon e ang nararapat *kung meron pa nga bang nararapat O_O* ang iboto ng bawat isa, hindi dahil sa sinulsulan lang o kung ano kundi dahil sa makikita mo ang dedikasyon ng tao na yun.. ang dedikasyon upang maiahon ang bansa at matulungan ang kanyang kababayan, mas maganda sana kung ganyan ang mga mahahalal diba? (Sana nga meron pa, at sana magkakaroon!) Ano na nga ba ang nangyayari sa Bayan ni Juan? Patuloy bang lumalala, patuloy bang nababaon.. may pag-asa pa nga ba? Kung tutuusin, kayang kaya eh! Ang problema nga lang.. ang bawat isa ay humahanap ng magliligtas ng bayan, hindi sinisimulan sa bawat sarili bagkus nagaantay lang ng parating na biyaya.

Unang, una dapat magsimula ang pagbabago sa bawat isa.. ika nga ng TV Ad's "Ako Mismo" at hindi lang dapat sinasabi dapat isinasagawa, mamaya niyan puro "Ako Mismo ang magtatapon ng basura sa tamang lalagyanan" aba makikita mo maya maya yung pinagtatapunan ee bag ng kakalase, o di kaya'y "Ako Mismo ang magsisilbing maganda halimbawa para sa kabataan" aba makikita mo maya maya mura ng mura. Kung paiiralin lang ang disiplina sa bawat sarili.. hindi lang ng mga ordinaryong mamamayan kundi pati na rin ang mas nakatataas pa sa atin sa pamayanan (Presidente, Bise Presidente atbp.). Pag ganun ang nangyari nasisiguro kong maraming magagandang dadating sa bansa at makakabangon din ang Pinas. Pero! pero! Lahat lang eto ay mangyayari kung ang bawat isa ay magtutulungan para sa bayan! Kaya ikaw? Ano pang hinihintay mo? Kilos na! Simulan ang pagbabago!

← Older / ♥ back up ♥ / Newer →
Wondergirl ♥